
These are some pictures from my recent summer vacation after three years of not having one. Okay naman, pero sana next year mas decent camera na dala namin. Have to make ipon for that Nikon digital camera.:) Good luck naman because that means I really have to be strict in following my budget. Goodbye muna temporarily sa Starbucks, Fruitas, at San Fo Grill. BTW, these pics pala were shot in Pinamalayan, a town in Oriental Mindoro. I was rooting for Puerto Galera kaso crowded daw, kaya we settled na lang in this place. Next time na lang sa Puerto.
This is my first travel or vacation na sobrang layo sa Manila. I hope to have more of this experience since I really wanted to travel, see places, and meet different people. Ang dami ko gusto puntahan: Cebu, Davao, Sagada, Bohol, Bicol, Palawan, basta marami. Gusto ko din balikan ang Vigan. Gusto ko din pumunta sa Antique to find my roots. Hopefully, this year, I can have more time and opportunity to go to these places. I have to SAVE, SAVE, SAVE nga naman talaga. The universe will conspire, that I am sure!XD
Tuesday, April 28
Summer at Long Last
Posted by
Keitaro Hanazawa
at
Tuesday, April 28, 2009
8
Ate My Adobo
Monday, April 27
Lunes Madness
Nasa bahay na dapat ako ngayon, kaso ang dami-dami pang trabaho na dapat gawin. Kaso tinatamad na ako kaya stretch ko muna mga fingers ko para magblog. Huwaw, kamusta naman yung tagal kong hindi pagsusulat dito di ba? Tinirhan na yata ng evil spirits itong blog na ito sa tagal ng di ko pagbisita. Inagiw at inamag na din yung mga lumang blog posts na di ko na din nababasa. Ganun na ba ako ka-busy or ganun lang talaga ako katamad?
Dapat talaga isasara ko na itong blog na ito. Kaso, isang taon din akong nagsulat ng kung ano-ano dito, kaya sayang naman kung iko-close ko lang. Wala lang talaga ako madalas na oras para magsulat. Kung may oras naman, wala akong maisip maisulat. Pero mula ngayon, subukan kong araw-araw magpost dito. Try lang naman. Di naman ako nangangako e.
*
Nabalitaan niyo ba iyung sunog sa Rockwell nung Sabado? Wala lang, nandun kasi kami nung nangyari iyun. Mga isang palapag lang yung taas namin dun sa nasusunog na restaurant. Nasa Fullybooked kami noon, kasalukuyan akong pumipili ng matinong moleskine nang biglang may elitistang babae na nagsisigaw na may sunog daw. Nakakatuwa kasi kahit na sobrang panic na nung babae, di pa rin naaalis sa kanya iyung pagiging susyal niya. Grace under pressure. Pero buti na lang, hindi naman gaanong lumaki iyung apoy, or else sayang naman yung mga libro sa Fullybooked. Honga pala, unang tapak ko pa lang sa Rockwell nun, kasi hindi talaga ako mahilig magpupunta sa mga ganoong lugar. Pakiramdam ko nagmumukha akong basahan pag nandoon ako. Hanggang SM Megamall lang talaga ako, ang official Mall ng Bayan. Pero mas okay naman siguro sa Gamol kesa sa Starmall di ba? Weird nun e, parang foodcourt na nagpapanggap na mall. Ligtas naman lahat nung Sabado. Wala naman akong nabalitaang casualty maliban sa damages dun sa restaurant na nasunog. Balak pa naman namin manood ng sine nung araw na iyun. Pero buti na lang. Buti na lang tinamad na kami or else, ayoko na isipin kung ano mangyayari.
*
Ano na nga pala nangyari sa kaso ni Ted Failon? Overkill naman kasi masyado mga pulis. Ano ba iyun? Pwede naman nila i-consider na suspect lahat ng malapit sa biktima, pero yung proseso ng pag-iimbistiga nila parang hindi yata tama. Hay naku, tawagin na nga lang lahat ng detectives sa CSI New York, Vegas, at Miami para malutas iyang kaso na iyan.
*
Napanood ko na yung recent na X-Men, yung tungkol kay Wolverine. Nakabili kasi yung bayaw ko ng pirated DVD nun e. Weird lang kasi post-prod yung nabili, yung kumalat sa Internet. Nakakatawa kasi may mga harness pa yung mga cast, tapos hindi pa ganun kaayos yung effects nila. Pero gets mo na yung kwento nung film, minus the effects nga lang. Kaya naisip ko na hindi ko na siya papanoorin sa sinehan kasi hindi rin naman ako masyadong na-impress sa kwento e. Tsaka bakit doon lang pinakita si Gambit? Parang special participation pa siya doon sa ikli ng exposure niya. Pwede ba next time, yung buong cast ng Uncanny X-Men yung ilabas ninyo sa pelikula? Pang-apat na X-Men na iyan pero wala pa din si Jubilee. Siya pa naman gusto ko doon, kasi pareho kaming clumsy na nasisira lahat ng machine na hinahawakan. Pero baka di na din mangyari iyun kasi patay na si Cyclops e, so hindi na din mabubuo uli yung cast nila. Sino kaya susunod na magkakaroon ng solo flick sa X-Men?
Posted by
Keitaro Hanazawa
at
Monday, April 27, 2009
2
Ate My Adobo
Friday, January 30
Bonggang-Bonggang Recession
“Nakaka-tense yung mga tanggalan sa trabaho dahil sa global economic recession. Pero mas nakaka-tense yung may trabaho ka nga, pero parang wala rin dahil kulang yung pasweldo at walang benepisyo. Kulang na nga, wala pa.”
Narinig ko lang iyan sa radyo kanina. Medyo nakakatakot nga yung recession na nangyayari sa buong mundo. Halos 51 million na tao ang mawawalan ng trabaho ngayong taon dahil maraming kompanya ang magsasara. 51 million! Nakakatakot nga. Paano kung isa sa mga kakilala natin yung kasama doon? Paano kung pati tayo kasama pala doon? Huwag naman sana.
Saan ba nagsimula iyang recession na iyan? Sa Amerika ba? Sa England? O sa China? Una kong nabalitaan yung recession nung nagsara yung ilang lending at financial companies sa US. Pagkatapos nila, mga kompanyang gumagawa ng computer at microchips naman. Tapos nung isang araw lang, nagle-lay-off na daw ng mga empleyado sa mga furniture at manufacturing companies. Anong industry kaya susunod? Industry ng siopao o industry ng peanut butter na may salmonella strains?
Bakit nga ba bigla na lang nagkaroon ng ganitong krisis? Saan bang biniyak na kawayan nanggaling iyun? Sino ba kasi may pakana ng recession na ito? Isa pang nakakapagtaka, bakit iyung super powerful at influential nations yung mga unang tinamaan at sobrang apektado? Super nga e, kaya dapat di na sila natitinag. Kung iyung mga bansang iyun apektado, paano na lang iyung mga third world countries gaya ng Pinas?
Sabi ng accountant sa company namin, kaya daw unang tinamaan iyung Amerika dahil pinaparusahan na daw ni God. Masyado na daw kasing mapagmataas iyung ilang tao doon at hindi na daw nila kinikilala kung sino ang tunay na Diyos. Hindi ko alam if may logic itong opinyon na ito pero napaisip ako nung marinig ko. Paano nga kung ganoon?
Hay naku. Mahirap talaga kapag pader iyung binangga mo. Diyos siya, tao lang tayo. Hindi naman natin pwedeng sabihin na unfair yung laban. Hindi naman natin Siya masisisi kung minsan gusto Niyang magparamdam di ba? Pwede ba natin sabihin sa Kanya na, “Lord, medyo childish ka ha,” malamang hindi kasi lalo Siya magagalit. Naisip ko, ibang klase pala magtampo ang Diyos kasi buong mundo apektado. Sana mali yung opinion ng accountant namin, dahil kung tama siya, mukhang matatagalan pa itong recession na ito. For the meantime, magtitipid muna ako ng bonggang-bongga.
**Natutuwa pala ako sa mga taong nagsasabi ng bonggang-bongga. Wala lang. Pinataob kasi nila iyung mga mahilig magkabit ng super sa bawat salita na sasabihin nila. Super Thank You. Super Sorry. Super Good Morning. Super gutom. Super pangit. Lahat ng salita may kapa at lumilipad. Buti pa iyung bonggang-bongga. Ang saya pakinggan. Parang may festival at fireworks lahat ng sentences na kinakabitan ng bonggang-bongga. Sino kaya nagpauso nun? At kelan kaya siya gagamitin ni PGMA sa speech niya?
Posted by
Keitaro Hanazawa
at
Friday, January 30, 2009
10
Ate My Adobo
Wednesday, January 28
Hindi ako workaholic... Pramis!
Umiikot lang ba ang buhay mo sa trabaho?
Tanong sa akin ng isang kaibigan na ka-chat ko nung isang araw.
Nakakainis man aminin pero parang sinampal ako ng tanong na iyan. Hindi ko agad naisip yung matinong reply nung tinanong ako, kaya tuloy inisip ng kaibigan ko na "OO" ang sagot ko. Silence means yes daw kasi. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam yung isasagot ko.
Isa na ba ako sa mga tinatawag na workaholic? Pag wala bang personal at social life ibig sabihin workaholic na? Oo, wala akong matinong personal life. Sa totoo lang, hindi ko na nga alam ibig sabihin nun. Masyado na siguro akong naka-concentrate sa trabaho kaya pati sarili ko hindi ko na maasikaso. Ang panget pa nun, ibang tao pa yung magpapa-realize sa iyo na minsan kailangan mong bagalan ang takbo ng buhay mo para malaman mo yung mga bagay na importante sa iyo. Sabi nga ng kaibigan ko, wag daw akong masyadong workaholic kasi hindi naman ako nabuhay para magtrabaho lang.
Gusto ko na gawin uli yung mga bagay na ginagawa ko dati bago ako malunod sa trabaho. Sana hindi ito ang huling blog entry ko. Ang panget. Walang sense. Gusto ko talaga bumalik sa pagbablog. Marami na akong dapat isinulat dito pero hindi ko magawa dahil walang panahon.
Marami akong utang na kwento at komento tungkol sa mga bagay-bagay. Di ko na tuloy alam kung saan dapat magsisimula. Pero hindi muna ako magsisimula ngayon dahil pagod pa ako galing sa trabaho. Try kong magblog uli sa weekend. Baka nga maging weekend edition na lang ang blog na ito.
Huwag naman sana.
Ayoko naman din kasi magpost ng entry araw-araw para lang masabing active ang bloglife. Paano kung walang sense yung ipopost ko di ba? Mas maganda siguro yung kahit bihira magblog basta maayos yung posts. Oops, excuse ng mga tamad. Magpopost ako ng matino, pero huwag muna ngayon.
Babalik ako. Pramis.
Posted by
Keitaro Hanazawa
at
Wednesday, January 28, 2009
9
Ate My Adobo
Saturday, November 15
It's so nice to be back
The title says everything about what I'm feeling right now.
I've been absent from the blogging world for more than a month, and I've thought that I wouldn't be able to come back. I miss writing nonsense in this very page, and I also miss reading people's blogs.
I've been very busy the past few weeks. Work has taken another level, and I will be busy as ever these coming days.
My birthday has passed, and I wasn't able to celebrate it properly. Good thing my friends at the office bought me a cake so that I can at least have a small party while working my ass off.
I'm now at the office finishing some tasks for the foreigners that I've learned to respect and love.
There are so many things that I wanted to tell you, but my mind is spinning like hell right now. This is just a quick post for I still have to check some work-related details. I hope I'll have more time to visit other bloggers' spaces soon.
I'll try to post something on Monday.
Posted by
Keitaro Hanazawa
at
Saturday, November 15, 2008
15
Ate My Adobo